Lunes, Pebrero 20, 2012

The Opening Salvo

WHAT'S ON YOUR MIND?

Ito ay pamagat ng aming forum bilang opening salvo ng aming Made by Sorsoganon Campaign. Ito ay pagtalakay sa temang "Kakulangan sa Edukasyon at Kaalamang Pangkalikasan, Sanhi nga ba ng Kahirapan?"

Oo nga ba o hindi?

Iyan ang binigyang patunay ng aming mga speakers, mula sa iba't ibang sectors, private at government institutions.

Pero bago muna iyan, hayaan nyo muna akong ikwento ko sainyo ang mga ginawa naming paghahanda hanggang sa pagsasakatuparan nitong aming forum.

Ang Angat Kabataang Sorsoganon, Inc.ay nagsimula sa pagsasagawa ng mga clean-up drives, tree planting at gift-giving. Kasi diba, ang mga nabanggit ko na yan ay madali lang namang gawin, magbibigay ka lang ng mga regalo, maglilinis o kaya'y magtatanim. Pero yun paghahanap ng mga kilalang tao mula sa iba't ibang sectors, private at government institutions ay napakahirap ng, lalo pa kung hingiin mo ang kanilang oras?

Napakalaking pasalamat din namin kasi pumayag naman ang mga target speakers namin at ibinigay nila ang kanilang mga oras noong Feb.10, 2012, 4pm-9pm sa Sorsogon National High School Function Hall.

Halos isang buwan naming pinaghandaan ang forum na ito, mula sa pag-invite ng mga speakers at participants, paglikom ng pondong gagamitin, paghahanap ng venue, sound systems, multimedia devices (projector), pag-aasikaso ng promotional tools (tarpaulins, posters, radio plugging), foods ng mga participants, acoustic bands....

Lalong mahirap kung wala kaming sapat na pondo para sa pinansyal na pangangailangan.

Kaya thankful kami sa mga nagbigay ng donasyon at sa suportang ibinigay ng Spirit Fm, Redbox, Aguador, Callenueva Pary Shop, Avon at mga entities.

Syempre, bilang organisasyon, bumuo kami ng mga committees na syang may kanya-kanyang gawain para sa paghahanda nito.


ang venue (Sorsogon National High School Function Hall)

si Bon Jovi Regalario sa kanyang opening rmarks


ang pagsisimula ng forum

si Mr. Joe Alimoot, president ng FASTOD Sorsogon

representative mula sa Childfund

si Mr.Joel Ortonio (gitna) habang sinasagot ang tanong mula sa audience
si Ms. Jessica Jaramiel, secretary ng Supreme Student Government ng Sorsogon State College
si Mr.Junjie Balidoy, secondary teacher ng Sorsogon National High School sa kanyang speech
si Ms.Nena Deblois, district coordinator ng Alternative Learning System, Province of Sorsogon
isang katanungan mula sa Saint Louise de Marillac College of Sorsogon
ang audience
si Jerome Deduque sa kanyang closing remarks

ang acoustic band
ang grupo ng angat kabataan pagkatapos ng forum










Walang komento:

Mag-post ng isang Komento