Miyerkules, Marso 21, 2012

YOUTH SHOUT OUT





Bilang pagtatapos ng Made by Sorsoganon Campaign, ang Angat Kabataang Sorsoganon, Inc. ay nagsagawa ng Youth Shout-Out na may temang "I think, We speak and Let's do it" noong March 11, 2012, mula 9am hanggang 5pm sa Paguriran Island, Bacon District, Sorsogon City

Ito ay dinaluhan ng mahigt sa 80 kabataan mula sa mga organisasyon sa lungsod ng Sorsogon.

Ito ay libre mula sa pamasahe, pagkain at venue.

Pagkakaisa ng mga kabataang sa pagbibigay ng solusyon sa iba't ibang isyung panlipunang saklaw ng aming kampanya, tulad ng kahirapan, edukasyon at kalikasan, ang layunin ng proyektong ito.

Una muna nilang inalam kung ano nga bang problema mayroon ang Sorsogon na isinagawa sa pamamagitan ng pag-iisa isa ng mga problema sa bawat aspeto ng komunidad. Sunod nilang ginawa ang pagbibigay reaksyon at brain storming ukol sa bawat problema at nagtapos sila sa pagpaplano ng isang proyekto na magbibigay solusyon sa problemang may malaking epekto sa komunidad.

Layunin din ng proyektong ito ang maging aware at isangkot ang mga kabataan sa komunidad na kanilang ginagalawan, tulad ng pag-alam at pagbibigay ng kaukulang solusyon sa bawat problema.

Ang boses ng kabataan ang siyang sandigan ng komunidad at lipunan tungo sa pagiging maunlad at mapayapa nito. Kaya namang, boung puso akong naniniwala, bilang isa ring kabataan, na kami ay resulta o bunga ng isang maayos, maunlad at mapayapang lipunan. Sabi nga, mahuhusgahan mo ang komunidad at lipunan sa pamamgitan ng kaugalian mayroon ang kabataan.

Asahan nyo na sa mga susunod na araw, ang aming mroyektong naplano, ay aming gagawin.

Heto ang mga activities sa Youth Shout-Out


The Opening Prayer led by MJ


The Opening Remarks by Jerome Deduque


The "Can I Know You Activities" with the facilitator, your's truly, CHO
 








The "Let's Face It Activity" (Identifying the problem)










The "He Thinks, She Says Activities" (Explaining the cause and effects of the problem)




The Boodle Fight (Lunch Time)







The Kusinero at Kusinera








The Venue




The Participants



Lingkod Kabataang Sorsoganon Organisasyon




Ultimate Barkada Experience Society



Magic 5 Brotherhood Association









The Awarding and Closing Activity with Bon Jovi Regalario (March 16, 2012 @Brgy.Hall of Sirangan, Sorsogon City)










 

THE RESULT OF THE SHOUT OUT, SOON!!!!

Martes, Pebrero 28, 2012

Aguador Water Station, our choice of Healthy Drinking Water.


Sa tatlong taong pagbibigay serbisyo ng Angat Kabataang Sorsoganon, Inc sa komunidad sa pamamagitan ng pagsagawa ng mga proyekto, ang Aguador Water Station ay naging kaagapay namin.

Kadalasan, ang aming mga proyektong naisagawa ay nagrerequire ng kakayahang pisikal, gaya ng clean-up drives. Ang pagod at init ay napapawi sa pag-inom ng sapat na tubig at mas panatag ang aming kalooban kung ang tubig na ito ay healthy na siyang taglay ng Aguador Water Station.

Anu man ang panahon, ang tao ay tiyak na mangangailangan ng tubig upang mapawi ang uhaw na nararamdaman. Ang katawan natin ay 70% tubig kung kaya't napakahalaga ng tubig sa tao. Nagsisimula tayong mauhaw sa pagbawas ng 1% lang ng body fluids, at maaari tayong mamatay kung umabot sa 10%. Ito man ay walang lasa, walang amoy, at walang kulay, hindi makakailang importante ang tubig para sa lahat ng mga kilalang anyo ng buhay. Ngayong panahon muli ng tag-init, mahalaga ang sapat na pag-inom ng tubig upang maiwasan ang dehydration o pagtuyo ng tubig sa katawan. Tiyaking tunay na malinis ang iyong pinagkukunang o binibiling suplay ng tubig na iniinom. tiyaking ito ay Aguador Water Station.

Lubos kaming nagpapasalamat kay Ms. Neri Laguilles, owner ng Aguador Water Station


Location
Hours
Mon - Fri:6:30 am-8:00 pm
Sat:7:00 am-7:30 pm
Sun:8:00 am-6:00 pm



JEHL Aguador Water Station
Branches: Sorsogon City and Old Albay, Legaspi City
We are the 1st ever water station in Sorsogon City to have a 3-in-1 Water System which provides mineral, purified and alkaline water. That's why we are ""Your Family's Choice for Healthy and Safe Drinking Water"

General Information
As we provide you with our products and services, we will be guided by these values:

EXCELLENCE
We are dedicated and committed to CUSTOMER SATISFACTION. Our #1 priority is our customers. We will GO the EXTRA MILE to satisfy our customers’ needs.

TEAMWORK
We work harmoniously with each other. We have shared responsibility and accountability.

DYNAMISM
We will always be PRO-ACTIVE and the BEST in everything we do!

INTEGRITY
HONESTY is the BEST POLICY. We are not cheaters!






Lunes, Pebrero 20, 2012

Ayos Classroom nga ba o Ayos School?

Marahil magtatanong kayo kung bakit ganun ang pamagat ng aking blog ngayon. Malalaman nyo ang kasagutan sa pagpapatuloy ng pagbasa nyo ng aking blog.

February 18, 2012, araw iyan ng sabado, sa kooperasyon at partisipasyon ng Magic 5 Brotherhood Association, Inc. at Red Cross Youth Council ng Sorsogon College of Criminology, Inc., ang Angat Kabataang Sorsoganon, Inc.ay tumungo sa Penafrancia Elementary School, sa Barangay Penafrancia, Sorsogon City upang isagawa ang Ayos Classroom- ito ay pagsasaayos ng mga sirang kagamitan sa loob ng silid-aralan.

Ang aktibidad na ito ay kabahagi pa rin ng aming Made by Sorsoganon Campaign- a campaign against poverty, climate change and lack of education.


Sinimulan muna sa isang oryentasyon sa pamumuno ng principal ng nasabing paaralan.














at dahil sa maliit lang naman ang Penafrancia Elementary School, hindi lang ang pagpintura at pagsaayos ng upuan ang aming ginawa, kundi pati sa ilang parte ng paaralan, gaya ng pagpintura ng stage, bakod.

Kami ay naniniwala na "Ang Malinis at Maayos na Kapaligiran ay Nakakapagdulot ng Kapanatagan ng Kaisipan"



Snack time muna!





Lunch time muna, boodle fight!
Chow!