Lunes, Pebrero 20, 2012

Munting Regalo

Isa sa highlights ng aming kampanya laban sa kahirapan, kakulangan sa edukasyon at kaalamang pangkalikasan, kinaumagahan pagkatapos ng "What's On your Mind? Forum", ay ang gift giving sa Home for the Aged ng Sorsogon City at sa mga bata ng Barangay Gimaloto ng nasabing lungsod. Isa ito sa mga beneficiaries ng aming Raffle for a Cause.

HOME FOR THE AGED

February 11, 2012, ganap na alas 9 ng umaga, tumungo ang aming grupo sa San Juan Roro, Sorsogon City kung saan matatagpuan ang isang sangay ng Home for the Aged.

Bitbit ang aming munting regalo. May ngiti at tuwa sa aming mga puso dahil pagkatapos ng hirap sa Raffle for a Cause, ngayon, kahit konti, ay may magandang naibunga at kahit mumunti ay aming maibabahagi sa mga lola at lolo natin sa institusyong ito. Masaya naming nilakad galing sentro ng Sorsogon hanggang sa Barangay San Juan Roro, Sorsogon City. Picture-picture, tawanan, biruan at minsan asaran, ganyan naman lagi kapag kami ay magkakasama.



Nagbigay ang aming presidente ng isang simpleng mensahe. 
Ngunit, ang tuwa at ngiti kanina ay nabahiran ng lungkot ng aming makita ang mga lola at lolo natin sa institusyong ito. Aminado kaming hindi naman sila pinapabayaan ng mga nag-aaruga sa kanila, subalit ang makita at mapagtantong walang kamag-anak na kumakalinga sa kanila ang dahilan ng aming awang naramdaman. Bagkus, hindi lang naman talaga awa, kundi paghanga. Paghanga dahil sa kabila ng kanilang katandaan at sakit na iniinda, ramdam nila ang ganda ng buhay at pilit nila itong pinaglalabanan.


Ang Home for the Aged na ito, na proyekto ng Ladies of Charity, Sorsogon Unit ay mayroong 18 angels subalit nung araw na pumunta kami ay 17 na lang sila, sapagkat, kinuha na ng Maykapal ang isa sa kanila. Rest in peace sa isa sa mga angels sa institusyong ito.











Ang pagbibgay ng aming mumunting regalo



























Sana kahit munti, napasaya namin sila
 










 At sana lagi silang patnubayan ng Maykapal


















BARANGAY GIMALOTO, SORSOGON CITY


Ito ang nakalagay sa canteen ng Home for the Aged, Sorsogon City. Kapareho rin ito ng aming tagline: I care for you, we care for the community.



Isa sa mga beneficiaries ang pagbibigay ng mumunting regalo sa mga bata sa Barangay Gimloto, Sorsogon City. Noong February 12, 2012, ganap na alas dos ng hapon, sakay ng jeep ang grupo ng Angat Kabataang Sorsoganon, Inc. at ilang members ng Magic 5 Brotherhood Association, Inc.at Red Cross Youth Council ng Sorsogon College of Criminlology, Inc. (SCCI).














Bitbit ang kaldero ng macaroni soup















at mumunting regalo


Sobrang lakas ng buhos ng ulan, ngunit hindi iyon nakasagabal sa aming layunin, ang makapagbigay ng kasiyahan sa mga bata.





























the opening prayer

















the inspirational talk by Bon Jovi Regalario, our president













the opening remarks of Jerome Deduque, one of the trustees















games muna!














oooppss.. bigayan na ng regalo

















"I care for YOU














WE care for the COMMUNITY"


Hanggang sa susunod na pagbibgay kasiyahan, mga kaibigan!

1 komento: